BASURA

YASHMIEN VICENTE


BASURA

"Nangigitim ang kalangitan ah.mukhang malakas na Ulan ang darating.kumakain kaming buong pamilya habang nanunuod ng telebisyon ng maibalita na may dadating na bagyo kaya pinapayuhan ang lahat na maghanda sa darating na sakuna.maya Maya ay natapos na din kaming kumain at maghanda na para sa darating ngang sakuna.inihanda namin ang flashlight,baterya,tubig,at mga pagkain,andon din ang first aid kit,Hindi na bago samin ang ganitong paghahanda dahil ganto naman talaga ang dapat gawin lalo kapag may darating na bagyo o kung ano pa man.


"Nagising ako ng maramdaman ang sobrang lakas na hangin na naging dahilan para bumaluktot ako sa lamig,naririnig ko na din ang pagtulo ng ambon kaya naman nawala ang aking antok at tiningnan kung anong oras na "2:48 a.m palang sobrang lamig.hindi na ako nag atubili pang gisingin ang asking ama't ina at mga kapatid dahil ambon at malakas na hangin palang naman iyon.


"Kinabukasan"


*Nagising ako na malamig at malakas paren ang hangin na dumadaloy sa aking katawan,napansin Kong gising na din ang aking mga kapatid kaya napagdesisyunan ko ng bumangon ng maramdaman kong may tubig sa sahig.nagulat at patakbo akong lumabas habang sumisigaw.


"Ma!pa!may baha!!-sigaw ko habang Hindi parin makapaniwala.


"Oo kaya tumulong kana magayos ng mga gamit.-wasto ng aking INA.


"Pero grabe naman ata ang nangyari ngayon.wala din tayong kuryente.


"Grabe talaga,sige na magayos muna tayo dito sa loob at susunod naman sa labas.


*Natapos na kami sa loob at inilabas na ang mga ibang gamit na nabasa.


"Grabe punong puno ng basura ang mga sapa at Kanal.-bigkas ni aling marya na may pagturo-turo pa.


"Kaya si kapitana nagsumiti ng REUSE,REDUCE,RECYCLE PROGRAM dahil nga sa pangyayaring ito.


"Dahil nga sa programang itinayo ni kapitana nagtulong tulong ang mga kabaranggay para maayos at matanggal ang mga basurang nakabara sa mga sapa at Kanal na naging dahilan ng pagbaha.


Natapos na ang bagyo at malinis na din ang mga daanan dahil sa pagaayos at tamang lagayan ng mga basura.


Bawat daan mayroon ng lagayan ng mga nabubulok at di nabubulok na basura kaya maganda at maaliwalas na ang aming baranggay.


NARESOLBA ANG GANITONG KLASE NG PROBLEMA SA KALIKASAN DAHIL SA PAGSAMA-SAMA AT PAGTUTULUNGAN NG MAMAMAYAN.PAGSUNOD SA ALTUNTUNIN KATULAD NG REUSE,REDUCE, RECYCLE.DAHIL JAN HINDI NA MAGKAKARON NG MATINDING PAGBAHA,AT HINDI NA SIYA MAGIGING PERWISYO SA LAHAT.AT WALA NG KAHIT ANONG SAKIT PA ANG MARAMDAMAN!❤️

Comments

Popular posts from this blog