MIKKO JUNTADO

 DESISYON


Sa isang liblib na baryo sa Sityo Sapang Bato, may isang binatilyo na nagngangalang Berto. Sa kanyang murang edad batid niya na kung ano ang gusto niyang marating pag laki niya. Subalit hindi niya hawak ang kanyang sariling kalayaan. Gusto-gusto nyang makamit ang kanyang tinatanging pangarap. Simula pagkabata nakakahiligan nya na ang pagkuha ng litrato ng mga magagandang tanawin na nakikita nya. Dahil don, pinangarap nyang maging isang photographer.  Ngunit noong sinabi nya ito sa kanyang mga magulang hindi sumaang-ayon ang mga ito. Ang nais ng kanyang mga magulang para sa kanya ay maging isang matagumpay na inhinyero dahil mataas ang kita at magiging matagumpay agad sya dito. Lubos na nalungkot si Berto ng sinabing ito ng kanyang mga magulang.  Gustong gusto nya talagang maging isang ganap na photographer. Nais nyang matupad ang kanyang kagustuhan, subalit ayaw nyang sumama ang loob ng kanyang magulang. S’ya ay lubos na namumrublema at naguguluhan. Hindi sya makapili kung alin sa dalawa ang kanyang tatahakin. Ang pangarap ba para sa  kanya ng kanyang mga magulang o ang sarili nyang kagustuhan?


Makalipas ang ilang taon, panahon na para magdesisyon sya sa kukunin nyang kurso para sa kolehiyo. Hanggang ngayon hindi n’ya padin alam kung ano ang kanyang kukunin. Nag pasya syang  humingi ng payo sa mga kaibigan nya, mga mahal sa buhay, matatanda at sa Diyos. Sabi ng una nyang kaibigan sakanya " Pre maging Piloto ka na lang, katulad ko. Masaya yon makakalibot ka sa iba't ibang lugar, kumikita kapa" kaso hindi iyon ang gusto nya. Ang pahayag naman ng ikalawa nyang kaibigan ay “Utol subukan mo mag pulis ng ma protektahan mo ang pamilya mo.” Ngunit ayaw nya parin. At ang sabi ng mga matatanda ay “subukan mo kaya makinig sa magulang mo siguro naman magiging maayos buhay mo pag nakinig ka sakanila.”. Sunod ay Tinanong nya ang kanyang nobya, ang sabi nya " Mahal, dapat sundin mo kung anong gusto mo at kung saan ka masaya, kasi pagsisisihan mo sa huli yan sige ka! Kung hindi ka talaga makapagdesisyon humingi ka ng gabay sa diyos". Pumunta si Berto sa simbahan para magdasal " Ama sa langit, gabayan nyo po ako sa mga desisyon na gagawin ko lalong lalo na sa kursong kukuhain ko ngayon. Bigyan nyo po ako ng sinyales kung ano ba talaga ang tatahakin ko. Salamat po". Lumiwanag at naging dalisay ang kanyang pag iisip, nasulusyonan nya ang kanyang problema sa pag dedesisyon dahil sa tulong ng mga opinyon ng kanyang mga kaibigan,mahal sa buhay, matanda at ng nag iisang Diyos.


Napagtanto nya sa sarili nya na mas maayos sundin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.  Tinahak nya ang payo ng mga matatanda na sundin ang payo ng magulang dahil ito ay makakabuti sa kanya. Nag sikap si Berto sa kanyang pag aaral. Lumipas ang panahon, si Berto ay naging isang matagumpay na inhenyero. Maayos na ang kanyang buhay. Nag bunga ang kanyang pag susumikap at mga sakripisyo. Nakapag patayo sya ng magandang bahay at mga ari-arian. Sa tulong ng tamang pag mamanage ng oras, kalaunan ay natupad nya din ang kanyang pangarap na maging isang photographer. 


Lesson: Hindi masamang makinig,hinde masamang humingi ng payo, lawakan ang kaisipan, piliin kung ano ang ikabubuti mo at kung saan ka sasaya. Huwag kang pang hinaan ng loob porket may roong taong may ayaw sa gusto mo. Manalig sa ka diyos dahil sya ang gagabay sayo.

Comments

Popular posts from this blog