PROBLEMANG TAMAD 

 akda ni : Sam Manalo

           Ako si thea, Labing limang gulang, Ako ay isang tamad sa buhay, Walang ginagawa at tambak ng mga gawaing sa paaralan, At gawain bahay.

           

            Nagsimula na ang pasukan ganon pa rin ang aking ugali laging tinatamad at walang kwenta sa bahay. At umaasa lang ako sa ate ko

            

            At nagsimula na magpa pasa ang aking mga guro para sa unang markahan at wala pa rin akong ginagawa ni isa wala talaga dahil sa sobrang katamaran ko, At lagi ko nalang pinapasabukas ang gagawin ko. At nasanay ako may laging inasahan sa gagawin ko.

            

            Dumating na yung araw na kailangan na umalis ng ate ko para mag trabaho sa ibang bansa para sa mga pangarap niya.

            

             At dumating na rin ang oras na huling pasahan na ng gawaing para sa unang markahan at ka onte palang ang aking nagagawa dahil sa katamaran ko, At lagi ko pinapasabukas. At nasanay ako na may laging inaasahan sa mga gawaing ko sa paaralan at sa mga gawaing bahay at ayun na nga ako nalamang mag isa at wala na akong maasahan sa gawaing bahay at sa mga gawaing ng paaralan.

             

             At ayun sobrang nahihirapan na ako dahil wala na akong inaasahan sa mga gawain ko. At nakalipas na ng ilang araw napagalitan nako ng aking magulang.

             

    MAMA; ANO THEA HINDI KABA MATUTO SA GAWAING BAHAY!.

    MAMA; LAGI KA NALANG BA AASA SA MGA TAO DITO!.

    MAMA; KELANG KABA MATUTUTO KUNG KELAN PATAY NAKO!.

    MAMA; ANG LAKI MONA THEA HINDI KANA BATA! Ikaw nalang maasahan dito dahil wala na ate mo.

    

                Pasigaw na sinabi ni mama 

                

           At nakalipas na ng isang linggo makikita na ni mama ang aking grado. At ako'y kinakabahan dahil kulang ang aking mga pinasa sa paaralan at pinairal ko ang aking katamaran. At nung nakita ni mama ang aking grado agad niya ako pinagalitan pag ka uwi niya sa bahay.


     MAMA; Thea bakit ganito ang grado mo. Apaka baba thea. kababaeng mong tao napaka tamad mo pati sa pagaaral kakatamaran mo.

     MAMA; umayos ka nga!

     MAMA; lahat naman ng gusto mo binibigay ng ate mo. 

     MAMA; pero bakit ganyan thea.


           At narealize ko sobra na pala ako hindi na tama. Sobra na pagiging tamad ko wala na sa lugar hindi ko man lang iniisip yung pag hihirap ng pinagdadaan ng pamilya ko para sa kasiyahan ko.


           At nakalipas ng ilang araw at ilang buwan nabago kona sarili ko at napapansin ng nanay ko ang pagbabago ko.



Aral:

Hindi lahat ng oras may maasahan ka matuto ka tumayo sa sarili mong paa. Matuto ka mag isa para pag dumating ka sa araw na ikaw nalang magisa hindi ka mahihirapan at hindi ka aasa sa iba.

Comments

Popular posts from this blog