Ma. Teresa A. Salve
Patas na mundo?
Ako si Malik, Labing isang gulang at eto ang aking istorya. Lumaki akong maligaya, kasama ang magulang at maraming kaibigan sa bukid, at lahat ng problema ay nalulutasan namin. Ngunit nawala ito lahat ng lumipat kami sa lugar na puno ng ilaw at malalaking gusali. Kinailangan namin lumipat dito dahil pumutok ang bulkan sa lugar namin at nasawi ang aking ama. Mag isa na lamang ako dito sa bahay ampunan. Sinabi ni nanay na babalikan niya ako kapag maayos na ang lahat pero anim na taon na ay wala parin siya. Simula palang ay hindi hindi na maganda ang pakikitungo ng mga nakakatanda man o bata sakin rito, kesyo maitim daw ang aking balat. Nung una ay ayos lang ang pang aasar nila saakin ngunit hindi ko napansin na ito ay lumala ng lumala hanggang sa labing anim na gulang na ako.
“MALIK!” sigaw ng senyora namin. Tumakbo ako palapit, “bakit ho, senyora?” Tanong ko. “NINAKAW MO ANG PERANG BINIGAY NG KARTERO!” Sabay sampal nya sakin. “Hindi ho senyora..nilagay ko ho iyon sa inyong lamesa..” sagot ko, ramdam kong nag dudugo ang aking pisngi dahil bumukas uli ang sugat ko rito. “SINASABI KO SAYO KAPAG WALA DOON AY MALALAGOT KA SAKIN!” Sigaw nya at naglakad siya palayo.
Ito ay normal na araw lang saakin. Hindi ko alam kung paano ba lutasan ang problemang ito. Paano ko malulutas ito kung lagi kong hinahanap hanap ang akin nanay. Sa buong anim na taon ay isa lamang ang aking naging kaibigan, Si Lidya. Kinukutya rin siya ng ilang mga tao rito dahil siya daw ay malaki ang timbang.
Habang inutusan kami magbenta ng mais sa syudad ng senyora ay may nakita akong pamilyar na mukha. Nakatayo at may kargang sanggol. Nakangiti at nag tatawanan kasama ang isang ginoo. May isa pang batang babaeng lumapit sa kanya at niyakap ang hita nya. Nag babadyang tumulo ang luha ko gusto ko gumalaw ngunit hindi ako makagalaw. Hanggang sa tumingin siya saakin, nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata at nakita ko rin kung pano niya hinila ang batang babae at ang ginoo.
“Ma..” gusto ko isigaw ngunit bulong lang ang lumabas. Hanggang sa tuluyan ng nag laho sila sa ang paningin.
Umuwi ako na may dalang halo halong emosyon. Hindi ko alam ang dapat bang maramdaman ko. Magagalit bako kasi umasa akong babalik siya? Maiingit sa kanila? Malulungkot? O dapat ba na maging masaya ako para sa kanila? Naputol ang aking pag iisip ng may narinig akong sumigaw. Si lydia!
“HOY ITIGIL NYO YAN!” Sigaw ko ng nakita ko ang mga ilang bata na binabato ng laman ng tupa si Lidya. Tumakbo ang mga bata na nag tatawanan at lumapit kaagad ako kay Lidya na na iyak at na nginginig sa takot. Tinulungan ko siyang tanggalin ang mga dumi at hinatid ko siya sa kanyang silid. Gusto ko pa siya samahan para kahit papano ay mawala ang takot niya ngunit nakita ako ng isang madrit
Habang nakahiga ako sa aking kama pinipinigal kong maluha kasi sa unang pagkakataon napaisip akong kahit kailan man ay hindi ako lumaban, hindi nag reklamo, at nag intay ng nag intay. Bigo akong pigilin ang aking luha at hinayaan nalang itong tumulo. ‘bakit ganon’ tanong ko sa aking isipan paulit ulit. Bakit hindi patas ang mundo. Habang iniisip ko ang mga ito ay biglang lumitaw sa aking isipan na paano kaya kung umalis ako kaya kobang mabuhay? Nagtatalo ang aking isipan kung gagawin ko ba ito ay napagpasyahan ko na itutuloy ko to dahil ano pa ngaba ang mas malalang mangyayari saakin? Nag impake ako ng aking mga damit at kahit papaano ay may na tago akong konting pera galing sa aking trabaho. Bago ako umalis ay dinaanan ko muna ang silid ni Lidya. Sa kasamaang palad ay tumanggi siya, ngunit nangako akong babalikan ko siya at tutuparin ko ang pangakong ito hindi katulad ng aking ina. Hanggang sa marating ko ang labasan. Lumabas ako at huminga ng malalim at akoy nag lakad paalis.
Aral:
• Wala sa labas na anyo ng tao kung paano mo siya tratratuhin.
• Huwag mong asahan na magiging patas ang buhay sa iyo dahil mabuti ka mang tao o nagsusumikap ka. Ang buhay ay may sariling mga patakaran, ito ay kumplikado at hindi pareho para sa lahat.
• Naghihirap tayo dahil iniisip lang natin kung gaano ka unfair sa atin ang buhay, maraming tanong na bakit, kinukumpara natin ang sarili sa iba, ayaw nating tanggapin at magpatuloy na lamang. Ang bawat isa sa buhay na ito ay may kinatatayuan, na isinaayos ng mga batas ng sansinukob. Kailangan mong lumaban para sa iyo. Huwag kailanman ikumpara o ibaba ang iyong sarili.
Comments
Post a Comment